NAUNGUSAN ng Ateneo ang karibal na De La Salle, 1-0, sa UAAP Season 79 men’s football tournament kahapon sa Moro Lorenzo Field.

Naisalpak ni Jarvey Gayoso, sa harap ng depena ni Inigo Gonzales, ang tanging goal sa laro na nagawa sa ika-36 minuto ng laban.

Sa unang laro, ginapi ng University of Santo Tomas ang University of the East, 2-1, bilang regalo sa kaarawan ng kanilang coach na si Marjo Allado.

Nanatiling lider ang Blue Eagles tangan ang matikas na 4-0 marka.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Hawak ng Green Booters ang apat na puntos para sa ikaapat na puwesto.

“I’m so happy sa result,” sambit ni Eagles coach JP Merida. “Playing against La Salle, napakahirap talaga. They followed the game plan.”