Sinabi ng isang maimpluwensiyang US science advisory committee ngayong linggo na dapat pahintulutan ang genetic modification ng human embryo o similya ng tao sa hinaharap upang mabura ang mga sakit. Nagbunsod ito ng panibagong debate sa kontrobersyal na paksa.

Ikinabahala ng ilang mananaliksik ang ulat ng National Academy of Sciences (NAS) at nangangamba silang maaaring magamit ang genetic tools para palakasin ang talino ng ilang indibiduwal o lumikha ng mga tao na may partikular na katangiang pisikal.

“Clinical trials for genome editing of the human germline -– adding, removing or replacing DNA base pairs in gametes or early embryos –- could be permitted in the future,” saad sa ulat, inilabas noong Martes.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

“But only,” dagdag dito, “for serious conditions under stringent oversight.”

Noong 2015, nanawagan ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) International Bioethics Committee ng pagpapatitigil sa human germline editing, dahil sa pangamba na ang technique ay maaaring mauwi sa muling pagkabuhay ng eugenics, o mga pagtatangka na mapabuti ang genetic quality ng sangkatauhan.

Mahigit 40 bansa ang lumagda sa international convention na nagbabawal sa paggamit ng gene-editing upang baguhin ang sangkatauhan. (AFP)