ANG pag-impis ng mga muscle ng pasyenteng may esophageal cancer kapag sumailalim sa chemotherapy ay nakakapagpaikli ng kanilang life expectancy sa karaniwang 32 buwan, ayon sa Austrian study na inilabas nitong Martes.

Nagsagawa ng pag-aaral ang Comprehensive Cancer Center sa Medical University of Vienna pati na rin ang Vienna General Hospital at sinuri kung paano nakakaapekto ang pag-impis ng muscle mass, kilala bilang sarcopenia, kasama ang body composition, sa therapy.

Mas umiikli ang life span ng esophageal patients na nakararanas ng sarcopenia sa anumang stage ng therapy sa nabanggit na karaniwang haba ng panahon, kumpara sa mga taong hindi na-diagnose ng sarcopenia, ayon sa pag-aaral.

Binigyang-diin na hindi ito nangangahulugan na responsable ang chemotherapy sa pagkakaroon ng sarcopenia, sa mas marami sa mga pasyente ang nagkaroon ng kondisyon na ito bago nagsimula ng therapy. Ang hindi magandang diet at hindi madalas na pag-eehersisyo ang ibinigay na dahilan sa pag-impis ng muscle mass.

Passport ni Roque, balak ipakansela ng DOJ: ‘He will be an undocumented alien!’

Gayunman, tinukoy ang sarcopenia bilang independent risk factor sa mga taong sumasailalim sa chemotherapy. (PNA)