Isang lalaki na umano’y kabilang sa drug watch list ng Taguig City Police ang pinatay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa lungsod, iniulat ng Southern Police District (SPD) kahapon.

Kinilala ang biktima na si Eugene Padilla, nasa hustong gulang, ng Barangay Wawa, Taguig City, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi batid na kalibre ng baril.

Sa ulat ng pulisya, dakong 4:30 ng madaling araw nangyari ang pamamaril sa Cadena De Amor Extension, Bgy. Wawa ng nasabing lungsod.

Nakatambay umano ang biktima sa nasabing lugar nang sumulpot ang suspek na armado ng baril at makailang beses pinaputukan si Padilla.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Mabilis na tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit sa krimen.

Lumilitaw sa imbestigasyon na kilala umano si Padilla sa pagtutulak ng ilegal na droga sa Taguig. (Bella Gamotea)