Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na makikipagpulong ang Pangulong Rodrigo Duterte sa grupo ng mga manggagawa sa katapusan ng buwan upang talakayin ang mga alalahanin sa “endo” (end of contract) ng mga empleyado sa ilalim ng sistemang kontraktuwalisasyon.
“The President will dialogue with labor groups on February 27. The main agenda, of course, is contractualization,” ani Bello.
Umaasa si Bello na sa pagpupulong ay magkakaroon ng kompromiso sa pagitan ng mga manggagawa at mga grupo ng employer upang mawakasan na ang ilegal na nakasanayang kontraktuwalisasyon.
“That is what the department is aiming for,” pahayag ng kalihim.
Hinimok ni Bello ang labor group at mga employer na maging bukas ang isipan at isaalang-alang ang posibilidad ng paghahanap ng ‘middle ground’ na magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng kinauukulan.
“We continue to encourage employers to voluntarily regularize workers, who are under labor-only contracting arrangements,” dagdag ni Bello. (Mina Navarro)