ISLAMABAD (AP) — Ipinagbawal ng isang Pakistani judge noong Lunes ang lahat ng pagdiriwang ng Valentine’s Day sa kabisera ng bansa, ang Islamabad, sa katwirang salungat ito sa aral ng Islam.

Nagpasya ang hukom sa petisyon na humihiling na ipagbawal ang mga pampublikong pagdiriwang ng Western holiday, sinabi ni court official Niaz Saleh. Aniya ang kautusan ay ipinadala sa media regulator ng Pakistan upang matiyak na hindi magkakaroon ng anumang Valentine’s Day promotion sa print o electronic media.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na