Pinagtulungang saksakin ng mag-amang negosyante ang kanilang mamimili dahil sa “pangungulit” sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Tinangka pang isugod sa Tondo Medical Center si Roberto Salamat, 45, ng 200 Interior 3 Clavel Street, Binondo, Maynila, ngunit nasawi rin dahil sa mga saksak sa dibdib.

Samantala, arestado naman sa follow-up operation si Rafael Sera Jose, 63, may-ari ng sari-sari store sa 2310 Rodriguez Street, sa Balut, Tondo habang tinutugis naman ang kanyang anak na si Ronald Sera Jose, 34.

Sa ulat ni PO2 Jonathan Ruiz, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), bandang 3:30 ng madaling araw nangyari ang pananaksak sa tapat mismo ng tindahan ng mga suspek.

Eleksyon

Darren Espanto, higit anim na oras bumiyahe makaboto lang

Lumilitaw na lasing umano ang biktima at naghanap ng bukas na tindahan, kasama ang kaibigang si Dexter Nagpacan, upang bumili ng sigarilyo.

Nang makitang nakabukas pa ang tindahan ng mga suspek ay kumain pa umano ang dalawa roon at nang matapos ay saka bumili ng sigarilyo ngunit nagkataong wala nang stock ng binibiling brand.

Dito na umano kinulit ng biktima ang nakatatandang Jose hanggang sa kumuha ito ng patalim at pinagsasaksak sa dibdib ang biktima. Ang nakababatang Jose naman umano ang humawak sa mga kamay ni Salamat upang hindi makapalag.

(MARY ANN SANTIAGO)