Isang barker, na kasama sa drug watch list at suma-sideline rin umano na snatcher, ang patay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Palatiw, Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director Police Chief Supt. Romulo Sapitula, kinilala ang biktima na si Rodolfo Marbella, alyas “Jay-jay”, 23, ng Bolante 1, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Manuel Loria, ng Pasig City Police, lumilitaw na dakong 6:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa F. Soriano Street, sa Bgy. Palatiw.

Sa salaysay ni Nischel Palma, testigo, nakarinig na lang siya ng sunud-sunod na putok ng baril at nang kanyang tingnan ay tumambad ang duguang biktima.

National

Ex-Pres. Duterte, wala raw tsinelas no'ng dalhin sa Netherlands—Sen. Bong Go

Ayon sa awtoridad, posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang pamamaril dahil kasama ang biktima sa drug watch list ng Pasig City Police. (Mary Ann Santiago)