Sa kulungan ang bagsak ng isang 18-anyos na lalaki makaraang hatulang guilty sa kasong pagnanakaw.
Sa dalawang pahinang desisyon, napagdesisyunan ni Judge Armando Yanga ng RTC Branch 173 na ikulong si Russel Del Rosario kaugnay ng kasong pagnanakaw sa ilalim ng Article 309 ng Revised Penal Code.
Kinasuhan si Del Rosario matapos niyang holdapin at tutukan ng kutsilyo si Bonjovie Santos noong Marso 30, 2016 sa Tondo, Manila. Tinangay niya ang bag ng biktima na naglalaman ng cell phone, pabango at mga identification (ID) card.
(Cris G. Odronia)