Tapos na ang maliligayang araw ng isang construction worker na umano’y sangkot sa illegal drug activities matapos pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Jonathan Gabardan, alyas “Jojo”, 30, ng No. 1021 Zapote Street, Barangay 178 ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng cal. 45 sa katawan.

Ayon kay Edwin Mata, kapitbahay ng biktima, bandang 1:40 ng madaling araw ay nakarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril na nagmula sa bahay ni Gabardan.

Naisip niyang sumilip sa bintana at nakita ang apat na lalaki na nakasuot ng face mask habang lumalabas sa bahay ng biktima.

Politics

13 senador, 'backer' na ni Tito Sotto sa pagiging Senate President—Lacson

“Noong nakaalis na ‘yung apat na lalaki, pinuntahan namin si Jonathan para alamin ang kanyang kalagayan hanggang sa makita na lang naming siya na duguang nakahandusay sa sahig,” kuwento ni Mata.

Narekober sa pinangyarihan ang tatlong slug ng cal. 45 at tatlong basyo. (Orly L. Barcala)