Inilahad sa publiko ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na inasahan na raw niya noon pa na maaaring mapayagang makapagpiyansa si dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sa Korte.
Matatandaang pinahintulutan ng Sandiganbayan Third Division noong Biyernes, Hulyo 31, 2026, si Revilla na makapagpiyansa sa kinahaharap nitong kasong malversation na may kaugnayan sa umano'y "ghost" flood control project sa Pandi, Bulacan na nagkakahalagang ₱92.8 milyon.
Itinakda ng hukuman ang piyansa ni Revilla sa ₱1 milyon para sa kasong malversation.
Nauna na rin siyang pinayagang makapagpiyansa ng ₱90,000 sa hiwalay na kasong graft na dinidinig ng Sandiganbayan Fourth Division.
KAUGNAY NA BALITA: Bong Revilla, nagbitaw ng ₱1M para pansamantalang makalaya!
Sa naging reaksyon naman ni Remulla sa kanilang programa sa isang radio station nitong Sabado, Agosto 1, 2026, sinabi niyang inaasahan na raw niyang matatalo sila sa isyung kinakaharap ni Revilla.
“We can’t afford to lose a battle. We lost that battle. Kasi we predicted this to happen. Alam na namin ito… I was mention it in one of our lunches, na mangyayari ‘yan,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Meron talagang mangyayari na mukhang tinatrabaho na magkaroon ng grant of bail.”
Paghahalimbawa ni Remulla, may mas malaking giyera pa raw na kailangang harapin at ipanalo ang mga Pilipino bilang nagkakaisang bansa.
“That’s only a battle. We have to win the war as a country. Itong giyerang ito, bansa ito na nakikipaglaban na para sa kaniyang survival,” aniya.
“So we just need a country to help us,” pagtatapos ni Remulla.
KAUGNAY NA BALITA: Bong Revilla, may ‘family time’ na, matapos makulong ng 6 na buwan—legal counsel
KAUGNAY NA BALITA: Ex-Sen. Bong Revilla matapos makapagpiyansa: 'God is good!'