August 01, 2026

Home BALITA Metro

Lalaki nagpatiwakal sa loob ng firing range!

Lalaki nagpatiwakal sa loob ng firing range!
Photo courtesy: Unsplash

Nasawi ang 25-anyos na lalaki matapos umano siyang magbaril sa sarili habang nasa loob ng isang firing range sa loob ng isang mall sa Barangay San Isidro, Makati City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “Kianz.”  Ayon sa imbestigasyon, dumating siya sa firing range bandang 4:32 ng hapon, nagparehistro, at naghintay ng halos 20 minuto bago siya inasistehan ng isang range officer sa kaniyang shooting lane.

Batay sa paunang imbestigasyon, ilang beses munang nagpaputok ang biktima gamit ang isang 9mm pistol bago umano niya itinutok ang baril sa sarili at nagpaputok.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad at nadatnan ang biktima na nakahandusay sa sahig. 

Sinubukan pa siyang bigyan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), ngunit hindi na siya tumugon.

Metro

Las Piñas NHS, kinumpirma nangyaring saksakan sa paaralan; 1 patay!

Dinala pa si Kianz sa Makati Medical Center ngunit idineklara siyang dead on arrival bandang 6:00 ng gabi dahil sa tama ng bala sa kanang bahagi ng kaniyang dibdib.

Sa isinagawang pagsusuri sa pinangyarihan ng insidente, narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang 9mm pistol na ginamit sa insidente, kasama ang magasin nito na may natitirang dalawang live rounds.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente upang matukoy ang lahat ng pangyayari at iba pang posibleng salik na may kaugnayan sa pagkamatay ng biktima.