BORACAY ISLAND – Naghahanda na ang Aklan Police Provincial Office (APPO) sa isa sa mga pulong ng Association of South East Asian Nation (ASEAN) summit ngayong taon sa Boracay Island sa Malay, Aklan.

Tiniyak ni SPO1 Nida Gregas, APPO information officer, ang seguridad ng 44 na senior at junior foreign minister na inaasahang darating sa Boracay sa Pebrero 19-21.

Aniya, nasa 1,000 pulis ang ipakakalat sa Boracay Airport o sa Kalibo International Airport para sa pagdating ng mga delegado.

Wala rin aniyang direktang banta silang natatanggap kaugnay ng ASEAN meeting sa Boracay. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog