MAAARING makatulong sa mga taong may problema sa pagtulog ang weekend camping trip, ayon sa bagong pag-aaral.

Nang maglaan ng ilang gabing malayo sa lungsod, mas maagang nakatulog ang mga tao sa pag-aaral kaysa normal na sitwasyon, ayon sa pag-aaral na inilathala sa journal Current Biology.

Naaapektuhan ang biological clock ng isang tao ng exposure sa liwanag, saad ng mga researcher sa pag-aaral. Ngunit maaaring sirain ng modernong paligid ang biological clock ng tao, dahil maaari nating ilantad sa liwanag ang ating sarili na labas sa natural na cycle mula sa pagsikat hanggang paglubog ng araw.

Sinasabi ng resulta “that a weekend camping trip can reset our (biological) clock rapidly,” saad sa pahayag ng awtor na si Kenneth Wright, assistant professor sa department of kinesiology at applied physiology sa University of Colorado Boulder. Sa madaling salita, makatutulong ang paglayo sa modern lighting environment para maisabay ang biological clock ng tao sa natural na ritmo ng araw at gabi.

Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista

Nagsagawa ng dalawang eksperimento ang mga researcher sa pag-aaral; isa sa taglamig at isa sa tag-init.

Sa unang eksperimento, buwan ng Disyembre dinala ng mga researcher ang limang tao sa camping sa Colorado. Bago nagtungo sa camping ang mga kalahok, sinukat ng mga researcher ang kanilang melatonin level sa loob ng 24-oras, makaraang matulog ng anim na oras sa kanilang regular na iskedyul sa pagtulog. Tumataas at bumababa ang lebel ng melatonin, na tinatawag ring sleep hormone, sa buong araw, at maaari itong magbago bilang tugon sa liwanag.

Pagkaraan ng anim na araw na camping, muling sinukat ang melatonin level ng mga tao.

Habang nasa camping, napag-alaman ng mga researcher na na-expose ang mga tao sa liwanag na 13 beses na mas maliwanag kumpara sa liwanag sa kanilang tahanan.

Pagkatapos ng camping trip, tumaas ang melatonin level ng mga camper nang mas maaga ng 2.6 oras kumpara sa sukat kapag nasa tahanan sila, ayon sa pag-aaral.

Kinabibilangan naman ng 14 katao ang pangalawang pag-aaral, siyam sa mga ito ang naglaan ng weekend camping sa Colorado noong Hulyo. Hindi tulad sa pag-aaral sa taglamig, habang nasa camping ay pinayagan ang mga kalahok na gumamit ng flashlights at headlamps, ngunit wala nang iba pang electronic devices. Sinukat ng mga researcher ang lahat ng melatonin level sa loob ng 24 oras pagkatapos ng dalawang araw na camping o sa kanilang tahanan. Pagkatapos ilaan ang kanilang weekend sa tahanan o sa camping, sinukat uli ng mga researcher ang melatonin levels ng study subjects.

Kung nais makatulog ng mas maaga, maaari itong malutas ng pagka-camping sa weekend, saad ni Wright. Kung hindi man option ang camping, maaaring pagtuunan ng pansin ng tao ang regular na iskedyul ng pagtulog, mas mataas na exposure sa sikat ng araw tuwing umaga at pagbabawas ng exposure sa electrical light sa gabi, dagdag niya.

Iminumungkahi ng resulta ang “opportunity for architectural design to bring in more natural sunlight into the modern-built environment,” ani Wright.