Dalawang pakete ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa babaeng umano’y tulak ng ilegal na droga sa gilid ng kalsada sa Taguig City, nitong Miyerkules ng gabi.

Kasalukuyang nakakulong sa Taguig City Police si Jackelyn Agacita, 37, ng Meralco Road, Barangay Lower Bicutan ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong 10:40 ng gabi nangyari ang pag-aresto sa panulukan ng Carlo Drive at Santa Maria Drive, sa harapan ng Havianas, Bgy. TBCAI.

Namataan ni Acmad Radia, 33, guwardiya, ang suspek na nakikipagtransaksiyon umano sa isang hindi pa nakikilalang indibiduwal at agad niya itong sinita.

Eleksyon

Bong Go matapos maging rank 1 sa senatorial race: ‘God is good, God is fair’

Narekober ni Radia mula sa suspek ang dalawang sachet ng umano’y shabu kaya agad niya itong ini-report sa mga pulis.

Kasong paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isinampa laban kay Agacita. (Bella Gamotea)