Ipinakilala ng Korte Supreme ang pagpapanotaryo ng publiko gamit ang electronic notarization (eNotarization) noong Biyernes, Hulyo 31.
Saad ng Korte Suprema, ang eNotarization ay isang digital process kung saan napipirmahan at nanonotaryo ang electronic documents sa pamamagitan ng Electronic Notarization Facility (ENF) Provider, na pinangangasiwaan ng Electronic Notary Public (ENP).
Kumpara sa traditional notarization na maaari lamang isagawa para sa mga nasa saklaw ng “territorial commission” ng Notaryo Publiko, sa eNotarization ay maaaring isagawa ang notarisasyon saan man sa Pilipinas.
Bukod sa physical appearance, opsyon din sa eNotarization ang virtual o remote appearance, o kaya’y combination na habang ang ilang principals at testigo ay magpapakita ng personal, may ang ilan ding nasa video conference.
Sa kaugnay na ulat, ang Notaryo ay isang opisyal na itinalaga upang magsilbing testigo sa pagpirma ng mga legal na dokumento.
Tinitiyak nito na ang isang indibidwal na pipirma ay may kaalaman sa kaniyang mga dokumentong pipirmahan at boluntaryo itong gagawin.
Ilan sa mga dokumentong ginagamitan nito ay ang mga sumusunod:
- Real estate contracts
- Powers of attorney (PSA)
- Wills at trusts
- Affidavits
- Adoption papers
- Loan documents
MAKI-BALITA: Para kay Sharmaine: Ano ang notaryo at bakit kailangan nito?