Isang lalaki na kilala umanong drug personality sa kanilang lugar ngunit ayaw sumuko sa Oplan Tokhang ang duguang bumulagta makaraang pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang lalaki sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director Police Chief Supt. Romulo Sapitula ang mga biktima na si Tohami Ibrahim, alyas “Anok”, 35, ng 32 Esguerra Street at isa pang ginang na nadamay sa insidente na si Irene Dacoba, 50, ng Phase 1 Gawad Kalinga, Caliwag St., Bgy. Pinagbuhatan.

Sa ulat ni PO3 Oliver Baquiran, ng Pasig City Police, dakong 5:30 ng madaling araw kahapon nangyari ang krimen sa tahanan ni Dacoba.

Sa salaysay sa pulisya ni Jojo Valencia, 53, tricycle driver, at pamangkin ni Dacoba, nakarinig siya ng mga putok ng baril sa lugar.

Eleksyon

Bagong halal na mayor ng Rizal, Cagayan 21-anyos pa lang; vice mayor, nanay niya

Nang kanyang tingnan, nakita niyang nagpupulasan palayo ang apat na lalaki habang duguan namang nakahandusay ang mga biktima.

Patuloy ang masusing imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)