Duguang bumulagta ang isang lalaki na umano’y sangkot sa ilegal na droga makaraang pasukin at pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Nicodemus Ampuan, 49, ng Block 8, Lot 5, Phase 3-6, Barangay 20, Kaunlaran Village ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa katawan.

Ayon kay PO2 Noel Bollosa, bandang 1:00 ng madaling araw, nahihimbing si Nicodemus at kanyang live-in partner sa loob ng kanilang bahay.

Gulat na gulat ang dalawa at napabalikwas matapos gibain ng apat na lalaki ang pintuan ng kanilang bahay.

Eleksyon

1.2 million hacking attempts, naitala ng Comelec sa kanilang precinct finder

Pagpasok na pagpasok ng mga salarin, pawang nakasout ng face mask at jacket, agad nilang pinagbabaril si Nicodemus at masuwerteng hindi idinamay ang kanyang misis.

Inamin ng mga kaanak ng biktima na sangkot sa ilegal na droga ang biktima. (Orly L. Barcala)