July 27, 2026

Home BALITA

SP Gatchalian, inilatag 5 isyung tututukan ng Senado

SP Gatchalian, inilatag 5 isyung tututukan ng Senado
Photo Courtesy: via MB

Inilahad ni Senate President Sherwin Gatchalian ang limang usapin na pagtutuunan ng Senado para makabawi ang nalulugmok na ekonomiya ng Pilipinas sa 2027.

Sa opening address ni Gatchalian sa ginanap na sesyon ng Senado nitong Lunes, Hulyo 27, sinabi niyang ang national budget umano ang pinakamakapangyarihang kasangkapan sa pagpapasigla ng ekonomiya. 

Kaya iginiit niya ang halaga na maipasa sa takdang oras ang 2027 national budget.

“Its timely passage allows funding to reach critical services and ensures that new projects can begin as scheduled and meet their deadlines,” saad ni Gatchalian.

Bukod dito, ibinida rin niya ang ginawang transparency at accountability reforms ng Senate Committee on Finance noong 2026 budget process, kabilang na ang pagsasahimpapawid ng bicameral conference at pagsasapubliko ng mga dokumentong may kinalaman sa budget. 

Politics

‘Pinapakulong, kinakasuhan!' Senate Minority, masama loob kaya ‘di sisipot sa SONA, sey ni Sen. Imee!

Aniya, “These reforms must continue so that our people see that the government is accountable and reliable.” 

“Kasabay ng maagap at masusing pagpapasa ng pambansang budget para sa susunod na taon,” pagpapatuloy ni Gatchalian, “limang pangunahing usapin ang tututukan ng Senado: mataas na presyo ng bilihin, maliit na take-home pay ng mga manggagawa, mahal na singil sa kuryente, kakulangan sa imprastraktura at transportasyon, at kawalan ng kasiguraduhan sa hanap-buhay.”

Matatandaang isa sa tiniyak ni Gatchalian nang maupo siya bilang chairperson ng Senate Committee on Finance noong 2025 ay ang iparanas sa mga Pilipino ang “golden age of transparency and accountability.” 

Maki-Balita: Sen. Gatchalian ipaparanas ang 'golden age of transparency, accountability'