PATATAGIN ang katayuan sa pedestal ang target ng Racal Ceramics, habang puntirya ng Café France na maitala ang back-to-back win sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Bagamat nakapagtala ng madaling panalo sa unang tatlong laro, aminado si Tile Masters coach Jerry Codinera na kailangan pang makasabay ang kanyang bataan sa istilo ng laro sa D-League.

“Hindi pa masyadong evident yung adjustment nila sa style of play, but hopefully with these win, makakuha pa kami ng idea,” pahayag ni Codiñera.

Inaasahang makakaranas ng matinding hamon ang Racal sa Wangs Basketball sa kanilang pagtitipan sa unang laban ganap na ika-11 ng umaga.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

“Depensa ang malaking bagay para sa amin kaya dapat aggressive lang kami,” aniya.

Sasandigan ang Tile Masters nina NCAA standout Sidney Onwubere, Kent Salado, at Rey Nambatac bilang pantapat sa mga main men ng Couriers na sina Marlon Gomez, Rudy Pubilco at Carlo Gomez.

Sa tampok na laban, mag- aagawan naman sa pagkakataong makasalo sa ikalawang posisyon ang Café France at Jose Rizal University.

“Kung mapush namin yung depensa at malimit namin sila sa target namin na points, malaki ang chance namin. But we really have to defend Tey Teodoro and Paolo Pontejos because we know that they will be their main men,” pahayag ni Macaraya.

Hangad naman ni JRU coach Vergel Meneses na makabawi mula sa kabiguang natamo sa kamay ng AMA Online Education, 69-61, nitong Lunes. (Marivic Awitan)