MAGHANDA, may barikada ang Barangay Ginebra.

Inaasahan ang pagdagsa ng basketball fans para suportahan ang Ginebra Kings sa pagharap sa Star Hotshots sa Game One ng kanilang best-of-five semifinal duel ngayon sa 2017 OPPO-PBA Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Nakatakda ang laro ganap na 7:00 ng gabi sa larong tinaguriang ‘Manila Classico’.

Naitakda ang nasabing pagtutuos ng dalawa sa pinakasikat na koponan sa liga makaraang magsipagwagi sa kani- kanilang quarterfinals series, ang Star laban sa Phoenix at ang Ginebra kontra sa second seed Alaska na may taglay na bentaheng twice-to-beat.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Para sa Hotshots, depensa na tulad ng kanilang diskarte sa Fuel Masters ang ilalatag para makasabay sa Kings ni coach Tim Cone.

“Ginebra is a champion team and they now have the chemistry and the experience that is hard to beat,” pahayag ni Hotshots coach Chito Victolero. (Marivic Awitan)