Posibleng tumaas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Pebrero at sa Marso.

Ayon sa Meralco, ang posibleng dagdag-singil kuryente ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at pagbaba ng piso kontra dolyar.

Gayunman, hindi pa matukoy ng Meralco ang halaga ng idadagdag sa kada kilowatt hour (kWh).

Una nang inanunsiyo ng Meralco na tataas ang electricity rates sa Marso, ng P1.44 per kWh, dahil sa Malampaya maintenance shutdown.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Hinihikayat ang mga consumer na magtipid sa kuryente. (Mary Ann Santiago)