Pinadali ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay ng tulong sa mga manggagawa ng higher education institution (HEI) na apektado sa pagpapatupad ng K to 12 program.

Sa memorandum circular ni Secretary Silvestre H. Bello III, pinasimple pa ang mga documentary requirement sa Adjustments Measures Program (AMP) upang matulungan ang mga empleyado na magkaroon ng bagong trabaho, pagsasanay at kabuhayan.

Upang mapakinabangan ang tulong, dapat isumite ng mga displaced permanent personnel ang K to 12 DOLE AMP application form, notice of termination na ibinigay sa inalis na mga tauhan sa pamamagitan ng HEI, at kopya ng anumang identification card mula sa gobyerno.

Maaaring i-download ang application form sa https: //blekto12doleamp.files. wordpress.com/ 2016/10 / ble- k12pmo_form-application_ 20160609.pdf. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter