KABUL (Reuters) – Patay ang 20 katao noong Martes sa pagsabog ng isang bomba sa labas ng Supreme Court sa sentro ng kabisera ng Afghanistan, sinabi ng gobyerno. Ito ang huli sa serye ng mga pag-atake sa hudikatura.

Sinabi ng Ministry of Public Health na 20 katao ang namatay, habang 41 ang nasugatan at dinala sa mga ospital sa Kabul.

Wala pang umaako sa pag-atake, na ayon sa pulisya ay kagagawan ng isang suicide bomber na pinuntirya ang mga empleyado ng Supreme Court sa oras ng uwian.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na