Daan-daang misdeclared shipments ng iPhone na may kabuuang halaga na P20 milyon ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila nitong Linggo.
Ang kargamento, ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon, ay nagmula sa China at patungo sa Fairview, Quezon City.
Una nang idineklara na ang kargamento ay naglalaman ng wall clock, furniture shoe rack, at mga sapatos, ayon kay Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Neil Estrella.
Gayunman, nang busisiin ang kargamento ay natuklasan nila ang nasa 400 iPhone doon na itinago sa ilalim ng mga naideklarang kagamitan. (Betheena Kae Unite)