Nadakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan City Police ang isang lalaking suspek sa pagpatay sa kanyang kapitbahay walong taon na ang nakalilipas, matapos itong matiyempuhan sa lungsod nitong Linggo ng hapon.

Sa report ni Chief Insp. Celso M. Sevilla, hepe ng WSS, kay Senior Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan City Police, kinilala ang naaresto na si Johhny Sumugat, 45, ng Amparo, Barangay 179, Caloocan City.

Sinabi ni Major Sevilla na bandang 2:30 ng hapon nang nahuli nila ang suspek sa Malanting Street, malapit sa gate ng Amparo sa Bgy. 179 sa bisa ng arrest warrant para sa kasong murder.

Batay sa record ng pulisya, sinaksak at napatay ni Sumugat ang kanyang kapitbahay noong 2009 at simula noon ay nagtago na sa batas. (Orly L. Barcala)

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'