Isang lalaki na umano’y leader ng Muslim Christian Community Organization ang pinagbabaril at pinatay ng riding-in-tandem sa Taguig City, nitong Sabado ng gabi.

Dead on arrival sa Taguig Pateros District Hospital si Arnel Edsa Pendatun, nasa hustong gulang, ng Pendatun Street, Napindan ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi batid na kalibre ng baril.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na sakay sa motorsiklong walang plaka.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) Director chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., dakong 7:30 ng gabi nangyari ang pamamaril sa Purok 7, Block 5, Pendatun St., Napindan, Taguig City.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

Nakatayo ang biktima nang sumulpot ang dalawang armadong suspek at pinagtulungang barilin si Pendatun.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)