Pinaalalahanan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang mga vendor na hindi na ng mga ito kailangang magbayad ng kahit ano sa mga tao o grupong nagpapanggap na mga taga-city hall.

Ang paalala ay ginawa ng alkalde kasunod ng napabalitang malawakang pangongotong sa Divisoria at Blumentritt.

Tiniyak din ni Estrada na bibigyan niya ng proteksyon ang mga lehitimong vendors na patuloy na hina-harass ng mga sindikatong ito kapag hindi nakapagbayad.

Ayon kay Estrada, P40 kada araw lang ang sinisingil ng pamahalaang lungsod sa mga vendor sa Blumentritt, ngunit batay sa sumbong ng mga vendor ay P160 kada araw ang sinisingil sa kanila ng mga sindikato. - Mary Ann Santiago

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon