Pinuri ng Simbahang Katoliko ang hakbang ng administrasyong Duterte at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipasara ang 21 minahan sa bansa.

Sa inilabas na pahayag, kinilala ng Catholic Bishop Conference of the Philippines ang matapang na hakbang ni Environment Secretary Gina Lopez para labanan ang illegal mining na sumisira sa kalikasan.

Sinabi ni Fr. Edwin Gariguez, Executive Secretary ng National Secretariat for Social Action ng CBCP, ikinatutuwa nila ang masigasig na pangangalaga sa kalikasan ng gobyerno. (Jun Fabon)

Pelikula

Remastered ‘Jose Rizal’ movie, eere na sa Netflix sa Rizal Day