TARGET ng National University na masungkit ang back-to-back title sa men’s championship, habang hangad ng De La Salle ang makasaysayang three-peat sa women’s division sa pagsulong ng UAAP Season 79 chess tournament ngayon.

Haharapin ng Bulldogs ang University of the Philippines Maroons sa 12:00 ng tanghali sa University of Santo Tomas, samantalang mapapalaban ang La Salle sa Ateneo sa parehong oras sa Henry Sy Sr. Hallsa La Salle campus.

Nakamit ng NU, sa pangunguna ni rookie of the year IM Paulo Bersamina, ang men’s title sa unang pagkakataon mula noong 1986.

Nakopo ng Bulldogs ang 42.5 puntos sa loob ng 14-round para gapiin ang Growling Tigers (36 puntos) at Green Archers (29).

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA