SISIMULAN ng De La Salle University ang kampanya para sa hangad na ikalawang sunod na kampeonato sa kanilang pagharap sa University of the Philippines sa pagsisimula ng UAAP Season 79 baseball tournament bukas sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Magsasalpukan ang Green Batters at ang Fighting Maroons sa ikatlong laro ng itinakdang tripleheader sa opening day sa RMSC diamond field.
Sa iba pang laro, magtutunggali ang Ateneo at University of Santo Tomas sa unang laban ganap na 7:00 ng umaga na susundan ng tapatan ng National University at Adamson University.
Sa pangangasiwan ng kanilang dating ace pitcher na si Joseph Orillana, nagkampeong muli ang De La Salle matapoos agawin ang korona sa Blue Eagles sa nakalipas na season.
Halos walang nabawas sa nakaraang taong line-up,paborito muli ang La Salle na muling magkampeon.
Mauuna rito magsisimula magbubukas parehas na venue ngayong umaga.
Magtutuos sa unang laban ganap na 8:00 ng umaga ang last season’s runner-up UST at Ateneo.
Susundan ito ng sagupaan ng De La Salle at NU ganap na 10:00 ng umaga bago ang huling laro tampok ang University of the East at UP ganap na 12:00 ng tanghali.
Nakakuha naman ng bye ang defending baseball champion Adamson University na sasabak sa Lunes kontra NU.
(Marivic Awitan)