RAMOS, Tarlac - Nalagay sa balag na alanganin ang isang 25-anyos na dalaga na pinangakuang pakakasalan ng lalaking text mate niya, ngunit hindi tumupad, sa Purok 3, Barangay Pance sa Ramos, Tarlac.
Pormal na ipinagharap ng reklamo sa pulisya si Ronnie Espiritu, 23, welder, ng Bgy. Sapang, Moncada.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Mary Jane Ilaya, nagsimula ang relasyon ng dalawa sa pagpapalitan ng text message noong Nobyembre 2016 hanggang sa magkita noong Disyembre 12.
Nang magkita ay ipinakilala ni Espiritu ang dalaga sa mga magulang nito at nangakong mamamanhikan na sa pamilya ng biktima pagsapit ng Disyembre 29.
Dahil dito, pinagbigyan ng dalaga ang hiling ng suspek na magtalik sila, ngunit pagkatapos niyon ay hindi na nakipagkita pa ang suspek. (Leandro Alborote)