Posibleng masibak sa serbisyo ang isang pulis matapos na irekomendang kasuhan siya ng grave misconduct makaraang hipuin umano ang dibdib ng isang babaeng bilanggo sa Mandurriao, Iloilo.

Sinabi ni Chief Insp. Al Laurence Bigay, hepe ng Mandurriao Municipal Police, na batay sa resulta ng imbestigasyon, kasong grave misconduct ang inirekomenda laban kay PO3 Miguel Hansilan.

Ayon kay Chief Insp. Bigay, hindi nakatalaga sa kanilang himpilan si Hansilan, na lasing umano nang hipuan ang bilanggo, na inaresto sa pang-uumit sa isang shopping mall sa Iloilo. (Fer Taboy)

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!