NA-INTERVIEW namin ang dating sexy star na naging movie producer/businesswoman at ngayon ay vice mayor na ng Pola, Oriental Mindoro na si Ina Alegre pagkatapos niyang tumanggap ng Japan Excellence World Class 2017 Award as best beauty queen and best public servant nitong nakaraang Sabado ng gabi.

Tinanong ni Yours Truly si Ina kung hindi ba siya tumututol na ang isang sexy star na tulad ni Mocha Uson ay binigyan ni Presidente Rody Duterte ng posisyon sa Movie and Television Review and Classification Board.

“Hindi naman lahat ng bold stars or sexy stars walang utak. Hindi lahat ng sexy star ay paghuhubad lang ang alam.

Kailangan tanggapin natin sa ating society na kahit ano naman ang ginawa mong trabaho noon... ngayon, kung ano man ‘yan... nakadepende naman ‘yan sa utak at kakayanan ng isang tao.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Kung gaano ka kagaling bilang public servant... kung gaano ka kagaling na writer... at blogger... at kung ano man ang magagawa mo para sa bayan, eh, bakit natin kokontrolin ang utak ng isang tao like Mocha Uson? Lahat tayo naggo-grow... kailangan pagbigyan natin kung ano’ng kakayanan niya... kung saan magaling si Ms. Uson at sa tingin ko naman she’s very good enough compared to others na dakdak lang naman nang dakdak wala namang laman ‘yung sinasabi.

“Like Arnel Ignacio... isang patunay ‘yan na hindi porke artista o singer, eh, walang patutunguhan na ilalagay mo lang sa isang box, hindi. Kailangan or siguro ‘yun lang ang naging way para makilala at maipakita kung ano ang kanyang talento, pero this time makita naman natin kung ano the other side of an artist like Arnel Ignacio nga o ni Mocha Uson.

“Huwag na nating isipin na ito lang ang kaya ni Arnel as pagiging singing comedian or ni Mocha Uson as sexy star, hindi dapat ganu’n. Hindi puwede ‘yon... na kinokontrol natin ang utak ng isang tao na kung ano pa ang puwede niyang gawin, kung ano pa ang kanyang kakayanan para makatulong sa ekonomiya ng ating bayan. Let’s give them a chance na maipakita kung ano pa ang kayang gawin ng kanilang utak sa ikauunlad ng ating buhay, di ba?”

Very well said, Madam Pola Vice Mayor Ina Alegre aka Jenniffer Cruz na as of this writing ay competing naman as secretary general for Lady Local Legislators League of the Philippines (4L).

Sana ay maging sure winner ka uli in another field and this time as secretary general ng 4L para sa ikauunlad ng ating bayan. ‘Yun na! Insert smiley, u! (MERCY LEJARDE)