YANGON – Naitala ni Pinoy golf star Miguel Tabuena ang ikalawang sunod na 69 para manatiling buhay ang kampanya sa titulo ng Myanmar Open matapos ang ikatlong round nitong Sabado sa Pun Hlaing Golf Club dito.

Tatlong stroke lamang ang layo ng Philippine Open champion sa lider tungo sa final round. Naisalpak niya ang apat na birdies para maisalba ang nagawang dalawang bogey.

Tangan ni Tabuena ang kabuuang 8-under 205 para sa sosyong ikaapat na puwesto kasama sina Carlos Pigem ng Spain, tumipa ng 68, at Australia’s Todd Sinnott, nagtala ng pinakamagandang round na 64.

Kumana si first round co-leader Angelo Que ng 72 para sa kabuuang 213 at sosyong ika-41, habang umiskor si Juvic Pagunsan, ikalawa sa money list ng Asian PGA, ng 74 para sa 214 at sosyong ika-50 puwesto.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Solo sa liderato si Yusaku Miyazato ng Japan sa naiskor na 71 para sa kabuuang 11-under 202, habang nakabuntot si KT Kim ng Korea na may kabuuang 203 matapos ang iskor na 68 sa third round.

Nasa ikatlong puwesto si Sihwan Kin ng US sa naiskor na 68 at kabuuang 204.