110117_PBA-MERALCOvsMAHINDRA_14_riodeluvio copy

POSIBLENG malagay sa alanganin ang tsansang mapabilang sa koponan ng Gilas Pilipinas si cadet big man Russel Escoto na hinihinalang nagtamo ng LCL (lateral collateral ligament) injury sa kaliwang tuhod nito makaraang bumagsak sa huling 23.1 segundo ng first half ng laro ng Mahindra kontra NLEX nitong Biyernes ng gabi.

“Minor lang daw eh! sabi ng doctor. Then, nag-follow up ako ang initial assessment sabi ‘LCL daw,” pahayag ni Escoto.

“Wala pa namang opisyal na findings ang mga doctor, sana naman po hindi naman masyadong malala. Gusto ko pong tulungan ang team namin saka yung ensayo sa Gilas gusto kong makasama,” aniya.

Usapang Negosyo

Kahit maagang naulila: Pinoy dishwasher, nagsumikap; isa nang restaurant owner

Nakatakda siyang sumailalim sa MRI (magnetic resonance imaging) scan upang malaman ang kalagayan at kabigat ang pinsala sa kanyang tuhod.

Isa si Escoto sa pinakamatikas na miyembro ng Gilas Cadet pool na kasama sa pagpipilian ni Gilas coach Chot Reyes para bumuo sa Gilas Pilipinas squad na isasabak ng bansa sa international competition tulad ng FIBA Asia Cup.

(Marivic Awitan)