August 03, 2026

Home BALITA

Taktika ng diktador! NUJP, pumalag sa insulto ni VP Sara sa PH media

Taktika ng diktador! NUJP, pumalag sa insulto ni VP Sara sa PH media
Photo Courtesy: NUJP (FB), via MB

Inalmahan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol sa kalidad ng journalism sa Pilipinas.

Matatandaang ikinumpara ni VP Sara ang kalidad ng pamamahayag sa Pilipinas sa pamamahayag sa ibang mga bansa.

“Kung hanggang diyan lang ang kakayahan ng journalism sa Pilipinas, then hindi talaga uunlad ang ating bayan,” anang Bise Presidente sa isang panayam na ibinahagi ng kaniyang opisina noong Hulyo 30.

Maki-Balita: 'Malayo kumpara sa int'l media:' VP Sara, pumatutsada sa kalidad ng 'journalism' sa Pinas!

Ngunit buwelta ng NUJP sa kanilang Facebook post noong Linggo, Agosto 2, ginagamit umano ni VP Sara ang “dictatror's playbook.”

Probinsya

5 paaralan sa isang bayan sa Cebu, nagsuspinde ng klase dahil sa 'security threat!'

Anila, "Sara is unleashing one of tactics straight out of a dictator's playbook: Controlling information by demonizing the independent press and weaponizing social media for her propaganda."

"Philippine journalists have received awards and their work have been recognized in the international community, a fact that belies Sara's claim of the media being subpar from global standards," dugtong pa ng NUJP.

Samantala, hindi naman daw minemenos ng NUJP ang katotohanang ang newsrooms ay nagkakamali rin at may ilang news outlets na nalalayo mula sa pamantayan ng journalism.

Ngunit nakakagalit pa rin umano ang paglalahat at pang-iinsulto ni VP Sara sa trabaho ng mga tapat at matatapang na mamamahayag sa Pilipinas.