Napilitang isuspinde ng lokal na pamahalaan ng Consolacion, Cebu ng face-to-face classes sa limang paaralan sa kanilang bayan bunsod ng banta sa seguridad, nitong Lunes, Agosto 3, 2026.
Batay sa inilabas na pahayag ng bayan ng Consolacion nito ring Lunes, ipinatupad na lamang ang modular/distance learning habang sinusuri ang banta sa seguridad hindi lamang ng paaralan, kundi pati na rin ng mga guro at estudyante.
"In response to circulating online safety threats directed at local schools, the Municipal Government of Consolacion, Cebu, has suspended in-person classes for affected schools starting August 3, 2026, shifting them to modular/distance learning," saad ng LGU ng Consolacion.
Samantala, narito ang limang paaralan na apektado ng naturang security threat:
Consolacion National High School
San Narciso School
Yaud National High School kabilang ang elementary level
Tolotolo National High School kabilang ang elementary level
Tugbongan National High School kabilang ang elementary level
Paglilinaw pa ng Consolocaion LGU, mananatiling suspendido ang face-to-face classes sa nasabing mga paaralan, hangga't hindi sila naglalabas ng anunsyo.
"Our Municipal Police Station have been deployed for heightened security while cybercrime authorities conduct an active investigation," saad pa nila.