ISINABAY sa birthday salubong kay Kylie Padilla noong gabi ng Martes (kinaumagahan o kahapon ang 24th birthday niya, January 25) ang announcement ng talent agency ni Betchay Vidanes na nangangalaga sa career ni Kylie sa engagement ng aktres at ni Aljur Abrenica.

Kung mayroon mang bashers ang dalawa, particularly kay Aljur, may mga natuwa naman sa balita tungkol sa pagbubuntis ni Kylie. Tweet ng isang netizen: “So happy for them. Can’t wait to see her little warrior.” Ayon naman sa isa pa:

“Whatever happens, it has a purpose. God bless. We love both of you. Be strong and keep the faith.”

Bago naganap ang birthday salubong cum engagement, nakapag-taping na si Kylie ng final scene niya sa Encantadia na ibinuwis niya ang kanyang buhay para sa kaligtasan ng Lireo at ng Encantadia.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Siyempre pang malungkot sa set, dahil bukod sa mawawala na nga si Hara Amihan ay mami-miss nila si Kylie na kasa-kasama na nila sa simula pa lamang ng tapings eight months ago. Wish nila ang happiness ni Kylie with Aljur at ng kanilang magiging baby.

Wala pa namang detalye kung kailan sila ikakasal, pero balitang uuwi muna sina Kylie at Aljur sa Australia. Doon nakatira ang Mommy Liezl ni Kylie, kasama ang mga kapatid niyang sina Queenie, Zhen Zhen at Ali.

Sa ngayon, hinihintay pa ang reaction ni Robin sa kalagayan ni Kylie. (Nora Calderon)