Naglaan ng P500,000 pabuya ang pulisya para sa makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng drug lord na si Richard Prevendido.

Inaprubahan ng City Peace and Order Council (CPOC) ang nasabing halaga na hiningi ng Iloilo City Police Office (ICPO) para sa agarang pagdakip kay Prevendido.

Maliban kay Prevendido, pinatungan din ng tig-P10,000 ang mga kamag-anak ni Prevendido na sina Ariel Prevendido, Troy John Prevendido, Ana Prevendido Penecilla at Ma. Beauty Dela Cruz, pawang taga-Barangay Bakhaw Mandurriao, Iloilo City; Romeo Penecilla, ng Tanza, Rizal; Rampart Gregori, ng Desamparados, Jaro; Errol Barcebas, ng Iloilo City; Jessica Mino, ng Molo, Iloilo City; at Niven Dejeron, ng Bgy. Desamparados, Jaro, Iloilo City. (Fer Taboy)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?