KAYA pala hindi masyadong napagkikita noong 2016 si Meg Imperial ay dahil nag-concentrate siya sa paggawa ng indie films.

Inamin ng dalaga na nami-miss na niyang magkaroon ng teleserye. Ang huling ginawa niya ay ang Bakit Manipis ang Ulap na hindi nagtagal nang ipalabas sa TV5 noong 2016. Nagkaroon siya ng guesting sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang love interest sana ni Benny o Pepe Herrera at ang solo serye niyang Moon of Desire ay noon pang 2014.

Walang boyfriend si Meg ngayon pero naitanong sa kanya si JM de Guzman na naging boyfriend pala niya noon.

“Ako naman kasi, everyone knows naman what happened to us, never akong nagkaroon ng sama ng loob sa kanya. I’m always there for him, to support him, na maka-recover. Kasi I want to be that friend na of all the friends na nakapaligid sa kanya na into this kind of ano, na kung baga, nasu-suffocate na siguro siya. I want to be that kind na nandu’n to support him,” sabi ng dalaga.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Noong nasa rehabilitation center daw si JM, bilang kaibigan ay nagpapadala si Meg ng mensahe ng pagsuporta sa tatay ng aktor.

“Nangungumusta, ganyan, like a friend, and nagre-respond naman na ‘he’s doing good’,” kuwento ng aktres.

Ayon kay Meg, isang buwan lang silang nag-date ni JM. Naganap iyon bago nagkabalikan ang aktor at si Jessy Mendiola.

Aha, si Meg pala ‘yung binabanggit ni Jessy noong nag-guest siya sa Gandang Gabi Vice na may idine-date si JM bago sila nagkabalikan.

Sana raw makabalik si JM sa showbiz dahil mahusay itong artista at gusto rin niya itong makatrabaho. (Reggee Bonoan0