MAGIGING Kapuso na ba si Jasmine Curtis-Smith?

Napabalita kasing nag-audition siya sa Mulawin vs. Ravena at na-impress daw ang mga nasa audition sa kahusayan na ipinakita niya.

Kung totoo ang tsikang ito, baka si Jasmine na nga ang makapareha ni Dennis Trillo na siyang magbibida sa remake ng Mulawin.

Nahihirapan kaming kumpirmahin ang balitang ito dahil hindi nagsasalita ang mga taga-GMA-7. Hindi rin nagsasalita ang manager ni Jasmine na si Betchay Vidanes, kaya maghintay na lang tayo sa storycon na dadaluhan ng cast.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang kinumpirma pa lang ng network na makakasama ni Dennis sa Mulawin vs. Ravena ay sina Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Bea Binene, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Wynwyn Marquez, Kiko Estrada at Roi Vinzon.

Nang huling naming ma-interview si Jasmine, ang sabi niya, mananatili siya sa TV5 dahil may kontrata pa siya. Ibig kayang sabihin nito, tapos na ang kontrata niya sa network, kaya nag-audition sa GMA-7? (Nitz Miralles)