MELBOURNE, Australia (AP) – Napahinga ng anim na buwan dulot ng injury, tunay na hindi kinalawang ang laro at diskarte ng 35-anyos na si Roger Federer.

Ginapi ng 17-time Grand Slam champion si Mischa Zverev, sumibak kay top-seeded at world No.1 Andy Murray sa fourth round, 6-1, 7-5, 6-2, para makausad sa semifinals ng men’s single ng Australian Open.

Mapapalaban siya ng todo kontra Stan Wawrinka, nagwagi kay Jo-Wilfried Tsonga 7-6 (2), 6-4, 6-3.

Nagawang maipanalo ni Federer ang unang limang laro sa loob ng 12 minuto at matikas na naisalba ang hamon ng karibal para makamit ang ika-41 Grand Slams semifinal at ika-13 sa Melbourne Park.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“Winning back-to-back matches in best-of-five sets against quality, great players, that’s been for me the big question mark, if I could do that so early in my comeback,” pahayag ni Federer.

“I felt I was always going to be dangerous on any given day in a match situation. But obviously as the tournament would progress, maybe I would fade away with energy. I think now that I’m in the semis, feeling as good as I am, playing as good as I am, that’s a huge surprise to me.”

Naglalaban para sa semifinal slot sa kabilang draw sina 14-time major champion Rafael Nadal kontra Milos Raonic at David Goffin laban kay Grigor Dimitrov.