SINIGURADO sa amin ng aming very reliable source na ayaw magpabanggit ng pangalan na magkakaroon na ng bagong show sa GMA Network si Kris Aquino.

Sabi niya, mismong ang bagong talent management agency na pagmamay-ari ni Mr. Tony Tuviera, ang namamahala ngayon sa career ng Queen of All Media, ang producer ng television show.

Nang banggitin namin ang statement ng GMA insiders na wala silang nakaplanong magiging programa ni Kris ngayong first quarter ng 2017, ang sinabi ng kausap namin ay walang urungan na raw ito.

Kaya hindi na raw dapat mainip ang mga tagahanga ni Kris Aquino dahil one hundred percent na itong babalik sa telebisyon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Doon sa mga nang-iintriga na hindi magkakaroon ng programa si Kris dahil walang nabanggit na show para sa kanya ang GMA, eh, mabibigo sila ngayon. Gugulatin na lang sila ni Kris. Pinaplantsa na ngayon ng produksiyon ni Mr. Tony Tuviera ang gagawing TV show niya,” tiyakang sabi ng source.

Pero ayaw daw munang magsalita si Kris hinggil sa gagawin niyang show.

“Mukhang pinagbawalan siya ng management niya na huwag munang magbigay ng kahit anong detalye. Alam n’yo naman, konting kibot lang,eh, naka-post na ‘yan pero this time, eh, mukhang sinunod niya ang advice sa kanya ng management niya,” sey pa rin ng source namin. (JIMI ESCALA)