Ipinagkaloob ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Navotas City Local Government Unit (LGU) ang 2017 Seal of Local Good Governance, bilang pagkilala sa maayos at mahusay na pamamahala ng mga lokal na opisyal sa lungsod.

Tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco ang parangal mula kay DILG-NCR Regional Director Maria Lourdes Agustin at DILG Navotas Director Sudi Valencia, kasabay sa pagdiriwang ng ika-111 taong pagkakatatag ng lungsod.

Ang Seal of Local Good Governance ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng DILG sa mga LGU sa Metro Manila.

(Orly L. Barcala)

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist