BALIK sa kalsada ang mga siklistang Pinoy sa pagsikad ng LBC Ronda sa Pebrero 4 sa Vigan, Ilocos Norte.

Sa labanan, target ng Philippine Navy na maduplika ang dominante nitong kampanya sa nakaraang taon kahit hindi makakasama ang mga pangunahing rider na sina Ronald Oranza, El Joshua Carino at John Mark Camingao.

Ayon kay Navy team captain Lloyd Lucien Reynante na sina Oranza, Carino at Camingao ay napuwersa na lumiban sa kada taong karera na may 14-stage at kinukunsiderang pinakamalaking cycling race sa bansa ngayon upang sumailalim sa military training.

“They can’t race because they’re under basic seaman course, they’re required to do it,” sabi ng 36-anyos na si Reynante patungkol kay Oranza, Carino at Camingao.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ito ay dahil sina Oranza, Carino at Camingao na parte ng Navy squad na pinagwagian ang lahat ng ginanap na tatlong leg ng nakaraang taon na edisyon.

Paglalabanan sa karera ang pangunahing premyo na P1 milyong premyo para sa kampeon mula sa presentor LBC at katulong ang MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Victory Liner, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.

Ang iba pang koponan na kasali ay Go for Gold, Neopolitan, Ilocos Sur, Iloilo, Mindanao, South Luzon, Kinetix Lab-Army, Bike Extreme, Zambales, Salic and One Tarlac.

Magsisimula ang karera sa Pebrero sa dalawang yugto sa Ilocos Sur at sisikad sa Angeles (Peb. 8), Subic (Peb. 9), Lucena, Quezon (Peb. 12), Pili, Camarines Norte (Peb. 14 at 16), Daet (Peb. 17), Paseo in Sta. Rosa, Laguna (Peb. 19), Tagaytay at Batangas (Peb. 20), Calamba at Antipolo (Peb. 21) bago kumpletuhin sa pares ng yugto sa Iloilo City sa Marso 3 at 4.