INAMIN ni Marlon Stockinger sa panayam sa kanya ni Dyan Castillejo ng ABS-CBN news na nagulat siya sa pag-amin ni Miss Universe Pia Wurtzbach tungkol sa kanilang relasyon.

Fil-Swiss car racer na nasorpresa siya sa pag-amin ng 2016 Miss Universe Pia Wurtzbach na sila’y officially dating.

“I didn’t expect it,” sabi ng Fil-Swiss car racer. “But yeah, sobrang kilig... for her to say that.”

Bukod daw sa Miss Universe na ganda ni Pia, na-in love din sa Marlon sa wit, humor, mga mata at honesty ng dalaga.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“It’s so easy to like Pia. She has been perfect. What you see is what you get. She is 100% real.”

Ikinuwento ni Marlon na nagkakilala sila ni Pia ilang taon na ang nakararaan sa pamamagitan ng kanilang common friends, pero noong trip lang ni Pia sa New York last September sila lubusang nagkakilala.

Kahit parehong busy, todo suporta siya sa trabaho ni Pia sa Miss Universe Organization.

“In the last few days she is busy and I understand that... Whatever she wants to do, I understand. She’s busy now and I’m happy for her success. I’m sure she would also do the same for me.”

Ang sagot ni Marlon sa sinabi ni Pia sa Tonight With Boy Abunda na, “Marlon is mine,” ang buwelta naman ni Marlon , “Pia is also mine,” na ikinakilig siyempre ng kanilang fans. (Ador Saluta)