CAMILING, Tarlac – May ilang naniniwala na ang puno ng sampalok, lalo na ang nasa gilid ng highway, ay humahatak umano ng aksidente, gaya ng nangyari sa isang motorcycle rider, na nasawi makaraang sumalpok sa puno ng sampalok sa Barangay Anoling 1st, Camiling, Tarlac.

Hindi na umabot nang buhay sa Salvador Hospital si Sherwin Agpalasin, 16, Grade 11 student, driver ng Kawasaki Fury motorcycle (QG-9365), at residente ng nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Mario Simon, dakong 5:20 ng hapon nitong Martes ay minamaneho ni Agpalasin ang kanyang motorsiklo patimog nang tinangka niyang i-overtake ang sinusundang motorsiklo pero sumalpok siya sa puno.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match