Aksidente ang idinulot ng sinulid ng isang saranggola matapos madisgrasaya ang rider na bumabaybay sa Cebu Cordova Expressway noong Biyernes, Abril 24, 2026.
Ayon sa mga ulat, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang rider matapos siyang sumabit sa naturang sinulid ng hindi pa tukoy na saranggola sa nasabing expressway.
Bakas pa sa suot na damit ng rider ang tila nahiwa na parte nito dahil sa sinulid ng saranggola. Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, tumagos ang sinulid ng saranggola sa katawan ng biktima kung kaya’t nagtamo rin ng mga hiwa.
Samantala, bago tuluyang pumunta ng ospital, nagawa pa raw putulin ng biktima ang mga sinulid na sumabit at sa kaniya.
Balak din umanong magreklamo at makipag-usap ng biktima sa pamunuan ng expressway upang ireklamo ang insidente at hindi maiwasang maulit pa ang ganoong klase ng insidente.