TARLAC CITY - Humihingi ng katarungan ang isang ina para maharap sa matinding parusa ang isang 25-anyos na lalaki na tatlong beses umanong humalay sa 14-anyos niyang anak na babae sa Barangay San Rafael, Tarlac City.

Pormal na idinulog sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Tarlac City Police ang reklamo laban kay Leo Lina, ng Bgy. San Luis, Tarlac City.

Ayon sa report, dahil sa pagbabanta ni Lina ay hindi kaagad naisumbong ng dalagita sa ina ang umano’y panghahalay sa kanya ng suspek noong Agosto 3, Oktubre 23 at Disyembre 6, 2016 sa Sitio Alliad, Bgy. San Rafael, Tarlac City.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match